^

Probinsiya

3 bata gumala sa beach resort, patay

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Tatlong batang magpipinsan ang patay matapos silang makitang lumulutang sa dagat nang gumala mula sa isang beach resort sa Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales, nitong Lunes.

Sa ulat kahapon ng pulisya, kinilala ni Col. Fritz Macariola, Zambales police provincial director, ang mga nasawi na sina Brietanya Alexa Ancho, 5-anyos;  John Andrey Guania, 5; at Prince Nythan Ocol, 5; pawang residente ng Purok 2B, Barangay San Miguel ng nasabing bayan.

Dakong alas-2 ng hapon nang huling makitang naglalaro ang mga batang biktima sa loob ng compound ng Arirang Beach Resort sa Purok 6 ng nasabing bayan habang ang kanilang magulang ay abala sa mga gawain.

Nakita ang mga bata na lumabas umano ng resort at naglakad patungo sa direksyon ng tabing dagat.

Nabatid na alas-3 na ng hapon nang itawag ng mga residente sa resort personnel ang pagkakadiskubre nila sa mga katawan ng mga biktima habang lulutang-lutang sa dagat.

Agad dinala ang mga biktima sa San Marcelino District Hospital su­balit kapwa idineklarang  dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

vuukle comment

FRITZ MACARIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with