^

Probinsiya

Bibili lang ng feeds, lalaki sinalvage

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BACACAY, Albay, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki na bibili lang ng feeds at ilang araw na hindi nakauwi matapos patayin at itapon ang katawan nito sa malayong lugar ng Purok-6, Brgy. Misibis sa Cagraray Island ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Pinaniniwalaang namatay makaraang puluputan ng packaging tape ang buong ulo kasama na ang bibig at ilong ng biktima na kinilalang si Jan Mark Balguma Rapisura, 36, ng Purok-1, Brgy. Travesia, Guinobatan.

Sa ulat, dakong ala-1:15 ng hapon, nagulat ang mga residente nang makita ang bangkay ng lalaki na nababalutan packaging tape sa ulo na itinapon sa lugar.

Pinaniniwalaang tatlong araw nang patay ang biktima dahil halos namaga na ang buong katawan nito.

Huling nakita ang biktima noong Pebrero 27 ng hapon nang magpunta siya sa bayan para bumili ng feeds na pagkain ng mga alagang baboy. May nakapansin na sumakay ang biktima sa isang kulay itim na Toyota Vios na kotse at mula noon ay hindi na nakabalik sa kanyang tahanan.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with