^

Probinsiya

Hot Air Balloon festival sa Bicol, larga na

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Dinagsa ng mga Albayano, dayuhan at lokal na turista ang tarmak ng dating Legazpi City Domestic Airport sa Albay matapos na pormal nang buksan kahapon ng umaga ang tatlong araw na “Bicol Loco Festival” ng Deparment of Tourism (DOT)-5 at Ako Bicol Party-list kung saan tampok ang kauna-unahang pagpapalipad ng mga hot air balloon sa Kabikulan.

Pinangunahan mismo ang opening ng festival ni Cong. Elizaldy Co at Hot Air Balloon organizer Capt. Joy Roa at nanawagan sa lahat ng Bicolano na suportahan ang pinakamalaking aktibidad sa turismo ng rehiyon. Namangha at natuwa ang mga bisita at residente sa naglalakihan at makukulay na balloon na una nilang nasilayan sa Albay na sinabayan pa ng airplane aerobatic shows, sky diving at para motors, drone racing, car drifting at konsyerto ng mga sikat na singers na sina Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia at iba pa.

Ayon kay Capt. Roa, walong taon nilang pinag-usapan at plinano ni Cong. Co na dalhin ang hot air balloon ng Capadoccia, Turkeyi sa Albay at malaki umanong tulong ito sa programa sa turismo hindi lang ng lalawigan kundi buong Bicol.

Nagmula sa England, Estados Unidos de America, Sweden, Nether­lands, Belgium, Brazil at China ang mga dumalong operator ng balloon.

Dumating din kahapon ng tanghali bilang suporta sa Bicol Loco Festival si House ­speaker Martin Romualdez at inins­peksyon ang mga itinatayong proyektong ng Ako Bicol sa lalawigan.

Dahil naman sa biglang lakas ng hangin, itinigil ang pagpapalipad ng mga air balloon kahapon ng hapon at itutuloy na lamang ito ngayong araw.

vuukle comment

DOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with