^

Probinsiya

2 robbery suspect todas sa shootout

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 robbery suspect todas sa shootout
Ayon kay Lt. Col. Marlo Solero, hepe ng Naic Police na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Bulagta ang dalawang hinihinalang robbery suspect matapos umanong makipagbarilan sa intelligence operatives na nagpapatrolya sa Brgy. Malainen Bago, Naic, dito sa lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col. Marlo Solero, hepe ng Naic Police na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek.

Sa imbestigasyon, alas-2:50 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa Sitio Gugo, Brgy. Malainen Bago ng nasabing bayan.

Sinabi ni Solero na kasalukuyang nagsasagawa ng patrolya ang Intelligence Monito­ring and Crime Prevention team sa Barangay Malainen Bago, Naic dahil sa tinanggap na ulat na may mga insidente ng panghoholdap sa natu­rang lugar nang kanilang maispatan ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na nakatigil sa madilim na bahagi ng tabing kalsada.

Bumaba ng patrol mobile car si Pat. Mark Angelo Derupe upang kausapin ang dalawang lalaki pero hindi pa man siya nakakalapit ng husto nang salubungin na umano siya ng sunud-sunod na putok mula sa dalawang suspek.

Mabuti na lamang at mabilis na nakaiwas si Pat. Derupe at dito na siya nagkipagbarilan kasama si Police Cpl. Dickson Andres sa mga suspek.

Makalipas umano ang may 10 minutong bakbakan, tumimbuwang ang dalawang suspek at narekober sa kanila ang dalawang maiksing kalibre ng baril at isang motorsiklo na walang plaka.

vuukle comment

NAIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with