^

Probinsiya

Mga minero nag-donate ng dugo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Vizcaya, Philippines — Umabot sa 28,350 cc na dugo ang naibigay na donasyon ng mga minero sa isang minahan para sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo ngayong panahon ng pandemya sa lalawigang ito.

Ito ay matapos na pangunahan ng FCF Minerals Corporation at Barangay Local Government Unit ng Barangay Runruno sa bayan ng Quezon ang isang bloodletting activity na isinagawa sa Runruno Multi-Purpose Hall katuwang ang Region II Trauma and Medical Center (R2TMC) na nakabase sa Ba­yombong. Ayon kay FCF Minerals Country Manager, James Carmichael, bagama’t maraming mga nagnanais mag-donate ng kanilang dugo ay umabot sa 63 donors na karamihan ay mga minero.

Ito ay bahagi umano ng pagtulong ng kum­panya sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo sa ospital at ang mga walang kakayahan na makahanap ng dugo dahil na rin sa kinahaharap na pandemya.

Samantala, iniha­yag  ni Carmichael na lahat ng kanilang mga minero kabilang na ang mga empleyado at contractors ay nabakunahan na kontra sa COVID-19.

Pinangasiwaan ng Occupational Safety and Health (OSH) department ng kumpanya ang pagbabakuna sa lahat ng manggagawa sa minahan kung saan kasalukuyan namang isinasagawa ng Municipal Health Office ng Quezon ang booster shot para sa mga ito.

vuukle comment

FCF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with