^

Probinsiya

Toktok rider kinatay ng balut vendor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Toktok rider kinatay ng balut vendor
Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa rami ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Christopher Del Rosario, alias Akong, 37, Toktok ri­der, residente ng #351, Brgy. Molino 3, Bacoor City.
Philstar.com/Irish Lising

BACOOR CITY, Cavite, Philippines — Pinagsasaksak ng isang balut vendor ang isang Toktok rider habang ito ay naglalakad pauwi, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Molino 3 ng lungsod na ito.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa rami ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Christopher Del Rosario, alias Akong, 37, Toktok ri­der, residente ng #351, Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Tumakas ang suspek matapos ang isi­nagawang krimen na nakilala ng mga saksi dahil ito ay laging nag­lalako ng tinda nitong balut sa lugar.

Sa imbestigasyon, alas-12:20 ng mada­ling araw ay nag­lalakad pauwi ang biktima sa Esguerra Compound ng nasabing barangay nang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima kahit na ito ay nakabulagta na.

Hinala ng pulisya na matindi ang galit ng suspek sa biktima at inaalam pa kung nagkaroon ang mga ito nang pag-aaway.

vuukle comment

TOKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with