^

Probinsiya

2 lalaki sinalvage ng mga naka-kotse

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines — Sinalvage sa pamamagitan ng pagbaril ang dalawang hindi nakikilalang lalaki ng isang grupo ng mga kalalakihan na lulan ng isang kotse kamakalawa ng gabi sa Barangay Pulo ng bayang ito.

Kapwa walang nakuhang ID o mapagkaka­kilanlan sa dalawa mali­ban sa ang unang biktima ay nakasuot ng puting t-shirt, asul na short, may taas na 5’6 hanggang 5’7, at tinatayang ume­edad ng 45 hanggang 50. Nakasuot naman ng itim na t-shirt, dilaw na short, adidas na sapatos at tinatayang nasa 34-37 at may taas na 5’4-5’6 ang ikalawang biktima.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-7:30 ng gabi ay nakita ng mga residente ang pagdating ng isang Toyota Altis sa kanilang barangay at maya-maya ay nakarinig­ sila ng mga putok ng baril mula sa damuhan.

Nang umalis ang kotse na kinalululanan umano ng ilang hindi kila­lang lalaki ay natagpuan ng mga residente ang dalawang duguang biktima na ang isa ay nakatali ang dalawang kamay sa pamamagitan ng panyo sa kanyang likuran.

Dead-on-arrival sa Liwag Medical Hospital ang dalawang biktima na kapwa may mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.

Hinihinala ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na dinukot mula sa ibang lugar ang mga biktima at sa nabanggit lamang na barangay dinala upang likidahin para iligaw ang mga otoridad sa imbestigasyon.

vuukle comment

SINALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with