^

Probinsiya

4 sabungero huli sa tupada

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

LAUR, Nueva Ecija, Philippines — Nadakma ng pulisya sa isang sorpresang pagsalakay ang apat na lalaking nagsasabong sa isang tagong lugar sa Barangay San Fernando ng bayang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ni PSSg Rolando Nievera, information-on-case, ang apat na suspek na sina Glenn Hipolito, 32, may-asawa, isang karpintero; John Francis Angeles, 22, binata, jobless, kapwa ng Brgy. Antipolo, Bongabon, NE; Maximo Domingo Jr., 50, may-asa, jobless ng nasabing barangay; at Rogelio Pascua, 54, may-asawa, isang magsasaka ng Brgy. Bantug, Bongabon, NE.

Natakasan naman umano ang pulisya ng anim na mala-palos na suspek na ang isa ay natukoy na si Ardy Valdez, na nagsilbi umanong operator at financier ng nasabing tupadahan.

Nabatid sa ulat na alas-4:40 ng hapon noong Linggo, nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya sa tawag ng concerned citizen na may nagaganap na ilegal na sabong sa nasabing lugar.

Nakumpiska ng pulisya sa lugar ang limang buhay na panabong na manok, 8- tari, 2-cockfight box, ilang cock-fighting paraphernalia at bet money na aabot sa P2,100. 

vuukle comment

TUPADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with