^

Probinsiya

Clan war sumiklab: 2 utas, 3 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos na sumiklab ang “clan war” sa dalawang naglalabang pamilya sa Barangay Nabundas, Datu Montawal ng lalawigang ito, iniulat kahapon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng 6th Infantry Division, ang mga naglalabang pamilya ay pinamu­nuan nina Noah Abel at Dataya Bacana kung saan away sa lupa ang pinag-ugatan ng kanilang hidwaan.

Habang sinusulat ang ulat na ito, ina­alam pa ng pulisya ang pagkakakilan­lan ng dalawang nasawi at tatlong sugatan.

Ayon kay Brig. Gen. Eden Ugale, director ng PRO-BAR, inatasan na nito ang kanyang mga tauhan na protektahan ang mga sibilyan laban sa girian ng dalawang pamilya.

Sa panig naman ng 6ID at Joint Task Force Central, gumagawa na ng hakbang ang 602nd Brigade para mapag-ayos ang dalawang naglalabang pamilya at maiwasan na rin ang paglikas ng mga residente na naiipit sa kaguluhan.

vuukle comment

DATU MONTAWAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with