^

Probinsiya

Magkapatid na senior, natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang matandang magkapatid matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Brgy. Matlang, Isabel, Leyte, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Estrelita Centino, 88-anyos at Conegunda Wenceslao, 78; pawang biyuda.

Sa ulat ng Leyte Fire Marshall, nangyari ang sunog bandang alas-11 ng gabi habang mahim­bing nang natutulog ang magkapatid na matanda.

Dahil sa kapwa biyuda na ay magkasama ang dalawa na tumira sa bahay pag-aari ng kanilang inang si Alfreda Roble Ramas na namatay may ilang taon na ang nakalilipas. Sila ay nagtatanim ng gulay upang may mapagkukunan ng kanilang kabuhayan.

Nagulantang na lamang ang mga kapitbahay nang makitang nilalamon ng apoy ang buong kabahayan ng magkapatid.

Nabigo namang makalabas ng kanilang tahanan ang dalawang matanda dahil mahina na sila hanggang sa makulong at kasamang lamunin ng apoy.

Pinaniniwalaan na ang natumbang lampara ang pinagmulan ng sunog sa tahanan ng mga biktima.

vuukle comment

BIYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with