Obrero tigok, 3 pa sugatan sa landslide
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang 24-anyos na obrero habang sugatan ang tatlo niyang kasama matapos silang matabunan ng gumuhong lupa sa Brgy. Loacan, Itogon, Benguet kamakalawa.
Kinilala ni P/Capt. Dexter Simon, hepe ng Itogon Police Station ang nasawi na si Eugene Balao habang isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center sina Alexander Morca, 52; Vincent Pal-a, 30, at Lordan Mayawen, 20.
Ayon kay Simon, pinapatag ng mga biktima ang isang pribadong lupa sa gilid ng bundok gamit ang isang bulldozer nang bumigay ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan dakong alas-3:00 ng hapon.
Tanging si Balao lamang ang nalibing nang buhay na kinailangan pang hukayin ng mga sumaklolo habang nakaligtas ang tatlong kasama nang bahagyang nahagip lamang ng mga nagbagsakang tipak ng bato at lupa dahil sa landslide.
- Latest