^

Probinsiya

Rider, angkas pisak sa trak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider at angkas nito makaraang pumailalim ang sinasakyan nilang motorsiklo nang aksidenteng masagasaan ng isang dropside truck habang bumabagtas sa highway ng Maramag, Bukidnon kamakalawa.

 Ang mga biktima ay nakilalang sina Nelvin Labanon Batingal, menor de edad, driver at may-ari ng sinasakyang motorsiklo (CG110F) at ang backrider nito na si Rodolfo Descotido, 32, binata; pawang ng Brgy. San Miguel, Maramag, Bukidnon. 

Batay sa ulat, ala-1:50 ng hapon habang binabagtas ng Isuzu truck (AWA 6156) na nakarehistro sa isang Victoria Yap at minamaneho ni Joney Boy Caburnay Timogan, 48, ng Poblacion, Pangantucan, Bukidnon nang makabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima. Ang truck ay puno ng mga sariwang tubo na galing sa Pangantucan patungo sa Maramag nang aksidenteng makabanggaan ang motorsiklo na bumulaga sa harapan nito habang bumabagtas sa pakurbadang daan. Lumilitaw na sinakop ng motorsiklo na matulin ang takbo ang linya ng truck sanhi ng salpukan. Dead-on-the-spot ang mga biktima na napisak matapos pumailalim at magulungan ng truck.Sumuko ang driver matapos ang insidente.

vuukle comment

PATAY

PISAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with