^

Probinsiya

2 pedestrian tigok sa bus, van

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay agad ang dalawang lalaki na tumatawid lamang sa kalsada matapos na mabangga at masagasa­an ng pampasaherong bus at van sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon Police Director P/Col. Audie Madrideo, tumatawid sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sto. Cristo, Sariaya si Zandrix Villanueva, 26-anyos nang mabangga dakong alas-3:20 ng madaling araw ng Alabang bound na De la Rosa Bus Liner (CAO-9991) na minamaneho ni Randy Burgos ng San Antonio, Quezon.

Samantala, tumilapon ng ilang metro matapos mabangga at nasagasaan pa ng Mitsubishi van ni Bonifacio Orgas ang 65-anyos na si Renato Lucila habang tumatawid sa highway ng Brgy. Mapagong sa Pagbilao dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Kapwa nakapiit at sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga driver ng dalawang sasakyan na nasangkot sa aksidente.

vuukle comment

AUDIE MADRIDEO

RANDY BURGOS

RENATO LUCILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with