^

Probinsiya

1 Nigerian, 2 African nasakote sa droga

Cristina Timbang, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
1 Nigerian, 2 African nasakote sa droga
Ang isa sa Nigerian National na si Leonard Ohaeri.

MANILA,Philippines — Isang Nigerian national at dalawang African ang nada-kip ng mga awtoridad sa mag­kahiwalay na lugar sa Cavite at Ifugao kamakalawa.

Sa Barangay Bayan Luma 4, Imus, Cavite, nada­­kip ng magkasanib na puwersa ng Philippine National police at ng Philippine Drug Enforce­ment Agency sa isang buy-bust operation noong Miyerkules ng umaga ang Nigerian national na si Leonard Ohaeri, 27, tubong Lagos, Nigeria at residente ng BF Resort, Las Piñas City.

Nakumpiska kay Ohaeri ang 220 gramo ng shabu na aabot sa halagang Php1,360,000.00. 

Nasakote naman ng   mga awtoridad ang dalawang North African national habang nagbibiyahe ng  P.7 mil­yong halaga ng marijua­na sa isang checkpoint sa Lamut, Ifugao, kamakalawa.

Kinilala ng Pulisya ang mga naaresto na sina Ne­gash Abede Natnael, 24, at Saffi Mohamednur, 28, na nanunuluyan sa Pasay City at pawang mga Eritrean natio-nals mula sa Northeast, Africa.

Ayon sa report, ang mga damo na nasa tubular package ay nasamsam sa pag-iingat ng dalawang arestado na galing Bontoc, Mountain Province at naka­sakay sa bus patungong Cubao nang isup­long sila sa awtoridad ng tiktik sa checkpoint. 

Nabatid na mga estud­yan­te rito sa bansa ang da­lawa na nagpaso na ang kanilang mga student visas.

vuukle comment

LEONARD OHAERI

NIGERIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with