^

Probinsiya

Misis todas sa live-in partner

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Misis todas sa live-in partner
Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Block 9 Lot 1, Phase 1, Brgy. San Isidro.
File

RIZAL, Philippines — Patay ang isang 24-anyos na ginang matapos na barilin ng kanyang live-in partner habang nasa kasagsagan ng kanilang mainitang pagtatalo sa Brgy. San Isidro, Antipolo City kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Angela Shynne Villanieva alyas Bamby ngunit binawian din ng buhay dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan habang arestado ang suspek na si Joel Tongco, 42, driver.

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Block 9 Lot 1, Phase 1, Brgy. San Isidro.

Sa salaysay ni Lang Bonite, 27, narinig niyang nagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa umalingawngaw ang putok ng baril. Nang kanyang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita nito ang suspek habang buhat-buhat ang duguang biktima na isinakay nito sa isang tricycle.

Mabilis namang inaresto sa follow-up operation ni Pat. Marvin Ibasco ng Antipolo Police ang suspek at ikinulong.

vuukle comment

PARTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with