^

Probinsiya

Ama pinabulagta sa harap ng anak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 54-anyos na mister makaarang pabulagtain ng ‘di pa nakilalang gunman sa harap mismo ng kanyang anak sa krimeng naganap sa Purok Cayambanan, Brgy. Griño Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes ng hapon. Agad na nasawi ang biktima na si Arnaldo Dela Rosa Acuinsion, may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar dahil sa isang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa matukoy na baril. Sa ulat, sakay ang gunman ng isang Raider 150 na kulay pula at puti habang nakatatlong ulit na umanong pabalikbalik ang gunman sa bahay ng biktima bago nito na tyempuhan ito, pasado alas-5:00 ng hapon. Nakatayo umano ang biktima kasama ang anak nito sa gilid ng daan ng big­lang huminto ang suspek at sinabihan na “Asan ang papel? sabay bunot ng armas at binaril ang mister. Personal na alitan ang nakikitang motibo sa krimen.

vuukle comment

AMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with