^

Probinsiya

Sanggol nahulog sa timba, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sanggol nahulog sa timba, patay!
Sa inisyal na ulat ng Bacolod City Police, nangyari ang trahedya sa nasabing palengke bandang alas-2 ng madaling araw sa nasabing palengke. Kasalukuyang natutulog sa mesa ang sanggol katabi ang mga pagod nitong magulang nang maalimpungatan ang beybi at gumapang.

MANILA, Philippines — Patay ang isang 6-buwang sanggol na babae makaraang aksidenteng mahulog sa timba na puno ng tubig at oxalic acid sa Libertad Public Marker sa Brgy. 40, Bacolod City, Neg­ros Occidental kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Bacolod City Police, nangyari ang trahedya sa nasabing palengke bandang alas-2 ng madaling araw sa nasabing palengke. Kasalukuyang natutulog sa mesa ang sanggol katabi ang mga pagod nitong magulang nang maalimpungatan ang beybi at gumapang.

Hindi na naramdaman ng mag-asawa ang kanilang supling nang aksidenteng mahulog sa timba na puno ng tubig at oxalic acid na gamit ng mga vendor nitong magulang sa mga panindang gulay at prutas para magmukhang sariwa.

Nang magising ang mag-asawa, nagitla sila nang makitang nakalubog na sa timba na una ang ulo ang kanilang sanggol na bagama’t nagawa pang maisugod sa Corazon Montelibano Memorial Hospital ay nabigo nang maisalba ang buhay nito.

vuukle comment

BACOLOD CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with