12-anyos ginawang sex slave, lolo tiklo
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinampahan ng reklamong panggagahasa sa pulisya ang isang 60-anyos na lolo matapos umano nitong gawing “sex slave” ang 12-anyos na kapitbahay sa Barangay San Julian, Abulug, Cagayan kamakalawa.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Remedios, huli siyang ginahasa ng suspek na si Abraham Padyao noong Hunyo 8, nang matiyempuhan siyang nakikisalok ng tubig sa poso ng huli dakong alas-9:00 ng umaga.
Kinaladkad umano siya ng matanda at dinala sa palikuran kung saan naganap ang ikapitong pag-angkin nito sa kanyang pagkababae. Sinabi rin ng biktima na natakot siyang magsumbong sa mga awtoridad dahil sa banta ng lolo na siya ay papatayin.
- Latest