^

Probinsiya

Pamangkin bulagta sa tiyuhin

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Napagkamalang baboy ramo

NORTH COTABATO -- Nabaril at napatay ang isang 26-anyos na babae ng mismong tiyuhin makaraang mapagkamalan nitong baboy ramo nang magsagawa ng “animal hunting” sa Sitio Alyong, Brgy. Danlag, Tampakan, South Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Lenza Dayanton Dialang, 26, magsasaka na nabaril umano ng tiyuhin gamit ang 12 gauge shot gun.

Sa report ng Tampakan Police, pumunta umano ang biktima kasama ang tiyuhing si Ciano Dayanton Dialang at iba pang kamag-anak sa bulubunduking bahagi ng Sitio Alyong upang mangaso. Dahil sa iba-iba ang kanilang direksyon sa paghahanap ng hayop, napagkamalan umanong baboy-ramo ni Ciano ang gumagalaw sa ‘di kalayuan mula sa kanyang harapan dahilan upang asintahin at barilin niya ito pasado alas-10:00 ng umaga.

Nang kanyang tingnan ang nabaril, bumungad ang kanyang pamangkin na nakabulagta. Nasapol ng bala sa tiyan ang biktima na agad isinugod sa ospital pero idineklarang patay habang tumakas naman ang suspek.

vuukle comment

BABOY RAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with