^

Probinsiya

2 suspek sa panununog ng VCM hawak na ng pulisya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa panununog ng VCM hawak na ng pulisya

MANILA, Philippines — Nasa kustodya na ng pulisya ang dalawang suspek sa panununog ng Voters Counting Machine (VCM) at election paraphernalias sa Jones, Isabela  kamakalawa.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Chevalier Iringan, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 2, ang suspek na si Rodel Pascua na nasakote sa Brgy. Diarao, Jones dakong alas-10:30 ng gabi.

Ang isa pang suspek na si Jayson Leanio ay sumuko naman dakong alas-9:30 ng umaga nitong Miyerkules  sa chairman ng Brgy. Sta Isabel, Jones ng lalawigan.

“Ang dalawa ay natukoy ang identity batay sa paha­yag ng eye witnesses”, pahayag ng opisyal kung saan inaalam na ng mga imbestigador kung anong grupo ang kinabibilangan ng  mga suspek.

 Una nang sinabi ni Phi­lippine National Police Chief Police General Oscar Alba­yalde na posibleng may kina­laman ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa insidente dahil ‘rebel infested area’ ang pinangyarihan ng insidente.

Sinabi pa ng opisyal na patuloy pang inaalam kung may kinalaman ang NPA rebels,  Private Armed Group (PAGs), mga kriminal na grupo sa kasong ito.

Sa report na tinanggap ni PRO 2  Director Police Brig. Gen. Jose Mario Espino, ang mga suspek ay itinuro ng mga testigo na siyang sangkot sa panununog ng dalawang VCM machine at mga election paraphernalia na lulan ng dump truck  na dadalhin sana sa municipal hall ng Jones mula sa Brgys. Dicamay I at  Dicamay II ng bayang nabanggit.

 Ang sinunog na mga VCM machine at election paraphernalias ay naglalaman ng 200 boto na hindi pa nabibilang.

Bandang alas-6:20 ng umaga nitong Martes nang harangin ng mga armadong kalalakihan ang dump truck na sinasakyan ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) na may dalang VCM at election paraphernalias bago sinunog ng mga ito sa Brgy. Sta Isabel ng nasabing bayan.

Agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang Maneuver Platoon ng Isabela Police Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lt. Vicente Orquia Jr. at isang team  ng Jones Police sa pangunguna naman ni Police Lt. Florencio Molina  laban sa mga suspek hanggang maaresto ang isa sa mga ito at isa naman ang sumuko.

vuukle comment

VOTERS COUNTING MACHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with