^

Probinsiya

Reporter ng Star, kinatay ng tambay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Reporter ng Star, kinatay ng tambay!
Duguang humandusay ang 66-anyos na mamamahayag ng Philippine Star na si Celso Amo matapos na katayin ng umano’y tambay sa kanilang lugar na si Adam Jhonson Abanes (inset), 33, makaraang hindi siya pahiramin ng bola habang nagba-basketball ang biktima sa Daraga, Albay kahapon ng umaga.
(Mga kuha ni Jorge Hallare)

Dahil lang sa bola

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Patay ang isang correspondent ng pahayagang Philippine Star, sister company ng pahayagang ito, makaraang pagsasaksakin ng isang tambay dahil lang sa hindi pagpapahiram ng bola habang naglalaro ng basketball ang biktima sa covered court sa Brgy. San Roque, Daraga, ng lalawigan kahapon ng umaga.

Napuruhan ang atay at ilang internal organ dahil sa malalalim na saksak ng biktimang si Celso Tan Amo, 66-anyos, ng nasabing barangay sanhi ng kanyang kamatayan. Agad namang naaresto ang suspek na si Adam John­son Majestrado Abanes, 33, ng Brgy. Dao, Pilar, Sorsogon na laging tumatambay sa nasabing basketball court.

Sa ulat ni Sr. Insp. Mayvelle Gonzales, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, dakong alas-8:05 ng umaga habang naglalaro ng basketball ang biktima nang lapitan ng suspek at hinihiram ang bola. Gayunman, hindi pinahiram ng biktima dahil sa hindi pa siya tapos maglaro na bahagi ng kanyang ehersisyo kada Linggo. Bunsod nito, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng kutsilyo si Abanes at pinagsasaksak ang biktima.

Sa panayam kay Supt. Benito Dipad, hepe ng Dara­ga Police, nabatid na unang sinaksak ang biktima sa likod at nang humarap ay ilang ulit pa siyang sinaksak ng suspek sa tiyan gamit ang malaking kutsilyo.

Ayon kay Dr. Alexander Cortez, namatay habang nasa operating room ng Bicol Regional Training and Tea­ching Hospital si Amo, dakong alas-10:18 ng umaga.

vuukle comment

CELSO AMO

CRIME

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with