^

Probinsiya

Rider, angkas dedo sa aksidente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  — Nalasog ang katawan ng isang rider at angkas nito matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa center island ng Maharlika National Highway sa Brgy. Ilawod,  Camalig, Albay noong Linggo ng madaling araw. Sugatang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang patay ang mga biktimang sina Mark Daniel Pensica, 20, driver ng motorsiklo (5064-PV) at backrider na si Joel Concecpion, pawang kawani ng SR5 Trading ng Brgy. Ilawod, Camalig ng Brgy. Aranas, ng Balete, Aklan.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw habang pauwi, binabagtas ng mga biktima ang highway nang bumangga sila sa center island. Sa lakas ng impact, halos mawasak ang motorsiklong kanilang sinasakyan at parehong tumilapon sa kalsada. Agad naman silang sinaklolohan ng mga nakakita at isinugod sa hospital pero kapwa idineklarang patay dahil sa matinding pinsalang tinamo ng kanilang katawan.

vuukle comment

BUMANGGA

MOTORSIKLO

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with