^

Probinsiya

Magpinsan utas sa killer trak

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng magpinsan makaraang masalpok ng trak ng minahan ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bonfal West sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya noong Martes  ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Romeo Barnachea, hepe ng Bayombong policer station ang mga biktima na sina Van Diclas, 22; at Arlyn Uyaan, 22, college student ng Nueva Vizcaya State University at kapwa nakatira sa Barangay Antutot, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang magpinsang patungo sa bayan ng Solano nang masalpok ng kasalubong na trak (WGQ503) ni Randy Bayas, 47, ng Carulutan Dupax del Sur.

Pinaniniwalaang nataranta ang magpinsang nakamotorsiklo sa inilatag na checkpoint ng LTO  kaya napunta sa linya ng mga trak ang motorsiklo ng dalawa at naganap ang trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with