^

Probinsiya

Guro pinasok, inutas ng ‘Akyat-Bahay’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines -  Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kamag-anak ang isang 40-anyos na high school teacher at dating college professor nang pasukin at pagsasaksakin ng hinihinalang mga miyembro ng Akyat Bahay gang sa loob ng kanyang tahanan sa Purok 3, Brgy. Baranghawon, Tabaco City kahapon ng madaling-araw.

Apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang naging sanhi ng kamatayan ng biktimang si Jordan Averilla, binata, guro ng Tabaco City National High School at dating professor ng Aquinas University of Legazpi at Bicol University. Nakitaan din siya ng sugat sa bibig at dila.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang biktima na duguan at nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto. Nagawa pa siyang isugod sa Ziga Memorial District Hospital ng mga kaanak pero idineklarang patay.

Hinihinala ng pulisya na posibleng mga kawatan ang pumasok sa bahay ng biktima at pumatay dito makaraang manlaban dahil sa nawawalang wallet at pera nito.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with