^

Probinsiya

P.5-M shabu nasamsam sa drug bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

REAL, Quezon, Philippines – Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang mag-live in matapos na magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Quezon Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok Sampalok, Barangay Ungos, nasabing bayan kahapon ng umaga.

Nakapiit ngayon sa municipal jail at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Raymart Mirabuenos, alyas Buboy, nasa No.7 sa talaan ng drug personality sa bayang ito at kanyang live-in partner na si Juvaira Romantico, 20.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang raid sa bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agrifino Morga.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng dalawang suspek ang 12 plastic sachet na kinalalagyan ng shabu na tumitimbang ng 44.6 gramo na nagkakahalaga ng P526,280.00.

vuukle comment

PHILIPPINE KARATEDO FEDERATION

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with