^

Probinsiya

112 taong kampana ng simbahan sa Bohol, tinangay ng 2 kawatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mahigit isang siglo o 112 taong antigong kampana ng simbahan ang ninakaw sa Saint Peter Parish Church sa Brgy. Poblacion Ondol, Loboc, Bohol, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Bohol Provincial Police Office (PPO), dakong alas-7:50 ng umaga nitong Oktubre 5 nang ireport sa pulisya ang nawawalang makasaysayang kampana ng simbahan.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya na ni-review ang Closed Circuit Television (CCTV) footage, at nakita rito ang dalawang lalaking kawatan na kinuha ang kampana ng simbahan at isinakay ito sa tricycle.

Sa isinagawang backtracking ng mga awtoridad, natunton naman ang isa sa mga suspect na isang 25-anyos, isang scrap metal buyer, residente sa bayan ng Sagbayan, na nagresulta sa pagkakaaresto rito dakong ala-1:50 ng madaling araw nitong Oktubre 6.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga operatiba at kanilang nabawi ang ninakaw na kampana sa Brgy. Libertad, Tubigon, Bohol.

Sa tala, ang antigong kampana ay ginawa noong 1914 na ninakaw umano ng mga suspect para ibenta.

Nakakulong na ang suspect sa Loboc Municipal Police Station (MPS) habang patuloy na pinaghahanap ang isa nitong kasamahan.

BOHOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with