^

Probinsiya

6 pulis utas sa ambush ng NPA

Joy Cantos at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na pulis ang kinumpirmang napatay habang walo naman ang malubhang nasugatan sa naganap na pananambang sa elite troops ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na lugar sa Barangay Sta. Margarita, bayan ng Baggao, Cagayan kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Cagayan Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Rolando Olay  kung saan taliwas sa ini-report ng isang radyo station sa Cagayan na 17 ang patay na pulis.

Nabatid na bumabagtas ang mga tauhan ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) 2 na lulan ng PNP vehicle nang tambangan ng mga rebelde dakong alas-10 ng umaga.

Sa kabila naman ng sorpresang pag-atake ay nakipagpalitan ng putok ang tropa ng PNP sa grupo ng NPA rebs.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang clearing operations sa lugar at inaalam pa kung ilan ang napaslang sa hanay ng mga rebelde na mabilis na nagsitakas na naghiwa-hiwalay ng direksyon sa kagubatan.

Kaugnay nito, ayon naman kay Lt. Col.Resurreccion Mariano, Civil Military Operations ng 5th Infantry Division (ID), nagpadala na  ng reinforcement troops sa lugar ang tropa ng Phil. Army upang tugisin ang mga rebelde na sangkot sa madugong pananambang sa RPSB troops ng PNP. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with