^

Probinsiya

Mag-asawa, tiyuhin dedo sa killer bus

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos salpukin ng pampasaherong bus ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay Magsaysay, bayan ng Naguilian, Isabela noong Miyerkules ng gabi. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Sherwin Concha, hepe ng PNP Naguilian PNP ang mga namatay na si Bernardo Saguiped, 67; ang pa­mangking mag-asawa na sina Ricardo Malapit at Rosalinda Malapit.

Habang isinasalba ang buhay sa Gov. Dy Memorial Hospital sa Ilagan City ang 45-anyos na driver ng trike na? si Ernesto Duque.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang traysikel ng mga biktima sa sinusundang sasakyan nang salpukin ito ng Dalin Liner Bus na minamaneho ni Domingo Cabalonga.?

Sa lakas ng impact ay tumilapon at nagpagulung- gulong ng ilang metro ang mga biktima. ?

Nabatid na patungo sa Ilagan City ang mga biktima upang isugod sa ospital ang lolong si Saguiped na inatake ng asthma nang makasalubong si kamatayan dakong alas-7:30 ng gabi.?

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus.

Noong linggo ay nakipagsalpukan ang isa pang Dalin Liner Bus sa isang van na sinasabing senglot na drayber na si Reina Mercedes.

Noong sumunod na araw ay nahagip din ng isang Dalin Liner Bus ang nakatirik na GW Florida Bus sa gilid ng highway sa Barangay Magsaysay, Naguilian.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MAGSAYSAY

BERNARDO SAGUIPED

CHIEF INSP

DALIN LINER BUS

DOMINGO CABALONGA

DY MEMORIAL HOSPITAL

ERNESTO DUQUE

FLORIDA BUS

ILAGAN CITY

NAGUILIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with