^

Probinsiya

Killer ng parak, 3 pa katao natimbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Arestado ng pinagsanib na pu­wersa ng pulisya ang lala­king sinasabing hired killer na responsable sa pagpatay sa apat na katao kabilang na ang isang dating pulis matapos na mamataan sa kanyang hideout sa Brgy. Lias, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sumasailalim na sa interogasyon ang suspek na si Saidamen Lumundot “Saido/Butch” Manguranda 27, tubong Marawi City at residente ng Northville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City at tinaguriang No.2 most wanted person sa buong lalawigan.

Base sa ulat ni P/Supt.Lailene Amparo dakong-alas 7:55 ng gabi ay isang impormante ang nag-ulat hinggil sa presensya ng suspek na nasa loob ng bilyaran sa Sitio Marmulan, Brgy. Lias at nang makumpirma ay kaagad na pinuntahan ang lugar bitbit ang tatlong warrant of arrest na pinalabas nina Judge Ma. Maruja Narvaiza-Mendoza ng RTC Br. 82, Judge Guillermo Agoloro ng RTC Br. 83 at Judge Wilfredo Nieves ng RTC Br. 84 pawang sa Malolos City na may mga kasong Homicide at Omnibus Election Code.

Habang papalapit sina P/Sr. Insp. June Tabigo-on at iba pang pulis ay nakatunog ang suspek na naging dahilan upang mabilis na tumakas subalit agad ding naaresto sa naganap na habulan habang narekober sa kanya ang isang .45 kalibre ng baril at isang granada.

Si alyas Saido ang sinasabing responsable sa pagpatay kay ex-SPO1 Joey Cruz ng Meycauayan City PNP, Ruferto Carpio ng Brgy. Bambang, Bulakan, Bulacan na naganap sa Meycauayan City, isang alyas Aiko at isa pang lalaki na kapwa binaril at napatay sa bayan naman ng Bocaue habang nabatid din na inuupahan ang suspek upang likidahin ang mga biktima na hindi  nagre-remit ng kinukuhang shabu mula sa mga drug pusher.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BULACAN

JOEY CRUZ

JUDGE GUILLERMO AGOLORO

JUDGE MA

JUDGE WILFREDO NIEVES

JUNE TABIGO

LAILENE AMPARO

MEYCAUAYAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with