^

Probinsiya

Multi-awarded broadcaster natagpuang patay sa sasakyan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Multi-awarded broadcaster natagpuang patay sa sasakyan
Sa ulat ng Cebu City Police, ang biktima, 68-anyos ay nadiskubreng patay at nagsisimulang maagnas dakong alas-8:22 ng umaga sa loob ng behikulo nito na nakahimpil sa isang par­king area malapit sa annex building ng Barangay Hall ng Brgy. Inayawan.
File

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa loob ng kaniyang behikulo ang isang beterano at multi-awarded na broadcaster na si Sam Cos­tanilla sa Brgy. Inayawan, Cebu City nitong Linggo, Setyembre 27 ng umaga.

Sa ulat ng Cebu City Police, ang biktima, 68-anyos ay nadiskubreng patay at nagsisimulang maagnas dakong alas-8:22 ng umaga sa loob ng behikulo nito na nakahimpil sa isang par­king area malapit sa annex building ng Barangay Hall ng Brgy. Inayawan.

Ang nasabing behikulo na nakunan pa ng CCTV footage sa lugar ay noon pa umanong Biyernes nakaparada sa nasabing lugar matapos na dumating sa lugar si Costanilla para sa kaniyang newscasting program sa DYCM  Bag-ong Adlaw radio station na nakabase sa lungsod ng Cebu.

Nitong Setyembre 27 ng umaga ay napuna ng mga nagdaraang mga bata ang mabahong amoy na nagmumula sa behikulo at nang kanilang silipin ay nakita nila ang hindi guma­galaw na lalaki sa driver’s seat ng sasakyan.

Kinumpirma naman ng kapatid ni Costa­nilla na labi ng kapatid na brodkaster ang nasa loob ng naturang behikulo.

Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ni Costanilla habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso at hinihintay rin ang resulta ng awtopsiya para madetermina ang sanhi ng ikinasawi ng sikat na brodkaster.

Nagluluksa ang grupo ng mga mamamahayag sa Cebu sa pagpanaw ni Costanilla na sinasabing ilang beses nang nakatanggap ng pagkilala at mahabang panahon ang inialay sa serbisyo sa radio broadcasting.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with