^

Probinsiya

Obrero timbog sa baril at droga sa checkpoint

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang isang obrero matapos na mahulihan ito ng baril at shabu sa isang checkpoint kamakalawa ng gabi sa highway ng Brgy. San Pedro,Hagonoy, Bulacan.

Ang suspek ay kinilalang si Lorenzo De Leon, 44, ng Purok 4, Brgy. Mercado ng bayang ito.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay kasalukuyang nagpapatupad ng checkpoint ang pulisya sa nasabing lugar nang dumating ang suspek lulan ng  motorsiklong Yamaha Sniper (8712-TT) at pinahinto dahil walang ng suot ng crash helmet.

Habang tinatanong ay napansin ni SPO1 Jayson Salvador na kahina-hinala ng ikinikilos ng suspek kaya’t ipinalabas ang mga kagamitan sa kanyang katawan at dito ay nakita sa bewang ang isang .22 revolber na baril na may anim na bala at pitong pakete ng shabu kaya’t inaresto ito.

 

vuukle comment

ANG

BRGY

BULACAN

HABANG

HAGONOY

JAYSON SALVADOR

KALABOSO

LORENZO DE LEON

MERCADO

SAN PEDRO

YAMAHA SNIPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with