^

Probinsiya

Italian trader na ex-priest, kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa nareresolba ang pagdukot sa tatlong banyaga at isang Pinay sa Samal, Davao del Norte, isa  na namang kaso ng kidnapping ang umosbong makaraang kidnapin ng mga di-kilalang kalalakihan ang 56-anyos na Italyanong negosyante na dating misyonaryong pari sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Army’s 1st Infantry Division, kinilala ang biktima na si Rolando del Torchio, may-ari ng UrChoice Pizza and Bistro Café sa Quezon Avenue, Barangay Miputak sa nasabing lungsod.

Nabatid na nagpanggap na mga customer sa nasabing pizza parlor ng biktima ang mga kidnaper kung saan tatlo ay nagsilbing lookout.

Agad na sinunggaban ng mga kidnaper ang biktima saka kinaladkad pasakay sa aabuhing van na may plakang TMY 490.

Namataan ang mga kidnaper na tumahak may ilang ki­lometro patungo sa naghihintay na speedboat sa tabing dagat ng Dipolog Boulevard.

Nabatid na si del Torchio ay dating misyonaryong pari ng Vatican’s Pontifical Institute for Foreign Missions na na-ordinahan noong 1984.

Si del Torchio ay natalaga sa Sibuco, Zamboanga del Norte simula 1988 hanggang 1996 hanggang sa mapunta ito sa Dipolog City kung saan nagtrabaho rin sa non-governmental organization  at nagdesisyong magtayo ng pizza parlor.

Bumuo na ng Crisis Incident Management Task Group kung saan naglunsad na ng search and rescue operations upang sagipin ang Italyano.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MIPUTAK

CRISIS INCIDENT MANAGEMENT TASK GROUP

DIPOLOG BOULEVARD

DIPOLOG CITY

FOREIGN MISSIONS

INFANTRY DIVISION

NABATID

NORTE

PIZZA AND BISTRO CAF

TORCHIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with