^

Probinsiya

5 wanted arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang limang lalaki na pawang pinaghahanap ng batas at may nakabimbing kasong kriminal sa iba’t ibang hukuman matapos na ipatupad ng pulisya ang Oplan Lambat/Sibat sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan.

Base sa ulat, unang naaresto ang mga suspek na sina Enrique Octavio, 40, ng Brgy. San Martin 4, San Jose Del Monte City at No. 3 sa top ten drug personalities at No.1 na si Jay-Jay Palomo, 35, ng Brgy. San Agustin, San Miguel. Naaresto rin ni P/Supt. Rodolfo Henandez ang suspek na si William Flores, 40, ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria sa mga kasong pag­labag sa R.A. 9165 base sa bisa ng warrant of arrest na pawang inisyu ni Judge Albert Fonacier ng Regional Trial Court (RTC) Branch 76 sa Malolos City.

Naaresto rin ang tinaguraing No.1 most wanted person na si Razel Borac, 29, ng Brgy. Matictic sa bayang ng Norzagaray sa kasong murder sa bisa ng  alias warrant of arrest na inilabas ni Judge Grace V. Ruiz ng RTC Br. 22 sa Malolos City at walang inirekomendang piyansa sa kanyang kala­yaan. Sumunod na nasakote ng mga tauhan ni P/Supt.Ganaban Ali ang No. 5 most wanted person na si Leonard Adriano, 46, ng Brgy.Taal, Bocaue sa  kasong attempted parricide at paglabag sa R.A. 9262 na inisyu ni Judge Hermenegildo Dumlao III ng RTC Br.81 sa Malolos City.

vuukle comment

ACIRC

BRGY

ENRIQUE OCTAVIO

GANABAN ALI

JAY-JAY PALOMO

JUDGE ALBERT FONACIER

JUDGE GRACE V

JUDGE HERMENEGILDO DUMLAO

LEONARD ADRIANO

MALOLOS CITY

NAARESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with