^

Probinsiya

Convoy ng vice mayor binomba: 4 patay, 6 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat-katao  ang namatay habang anim naman ang nasugatan makaraang  pasabugin ang convoy ng sasakyan ng bise alkalde sa Barangay Sunrise, Isabela City, Basilan kahapon ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Captain Roy Trinidad, spokesman ng AFP Task Force Zambasulta ( Zamboanga, Basilan, Sulu , Tawi-Tawi ),  naitala ang insidente dakong ala-1:01 ng hapon malapit mismo sa bahay ni Isabela City Mayor Cherrylyn Santos-Akbar.

Namatay ang tatlong security escort ni Isabela Vice Mayor Abdubaki Ajibon na sina Gregorio Delgado, Muhaimin Jalil at isang alyas Maullah habang ang sibilyang lulan ng motorsiklo na naparaan lamang ay si  Ramil Omar.

Samantala, kinilala naman ang mga nasugatang sina Sattar Abdul, Nurhaida dela Cruz, Amlan Sali Adam, Tupay Kalbi, Florante Agustin, at si Grace Manuel Flores.

Nawasak din sa pagsabog ang itim na Toyota Hilux pickup  na may plakang MTO-656 at Toyota van na may plaka namang AEA 4365.

Agad na ikinordon ng pulisya at militar ang nasa­bing lugar habang isinagawa ang post blast investigation.

Pinaniniwalaang inilagay ang bomba sa traysikel na nakaparada sa gilid ng highway kung saan tiyempo namang dumaraan ang convoy ng nasabing opisyal.

Sinisilip naman ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa banggaan sa pulitika ang isa  sa motibo sa pagpapasabog.

vuukle comment

AMLAN SALI ADAM

ANG

BARANGAY SUNRISE

BASILAN

CAPTAIN ROY TRINIDAD

FLORANTE AGUSTIN

GRACE MANUEL FLORES

GREGORIO DELGADO

ISABELA CITY

ISABELA CITY MAYOR CHERRYLYN SANTOS-AKBAR

ISABELA VICE MAYOR ABDUBAKI AJIBON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with