^

Probinsiya

4-anyos lunod sa swimming pool

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos malunod sa swimming pool sa Brgy. Sibsib, Tulunan, North Cotabato noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO ) 12, kinilala ang biktima na si Charlie Jonelas, residente ng Brgy. Kanibong sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang lumutang sa swimming pool ang bangkay ng bata matapos mapagawi sa may 6 talampakang lalim ng tubig.

Isinama umano ng isang nag­ngangalang Rosalie Manalo ang bata sa Tree House Swimming Resort na hindi nito ipinagpaalam sa mga magulang ng bata.

Nakalingat si Manalo habang masayang naglilibot sa resort kung saan naglaro ang bata sa swimming pool hanggang mapadako sa malalim na bahagi na siya nitong ikinalunod. Iilan lamang ang mga bakasyunista sa resort kaya walang nakapansin sa bata habang naglalaro sa tubig.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BIYERNES

BRGY

CHARLIE JONELAS

COTABATO (NORTH)

IILAN

NORTH COTABATO

POLICE REGIONAL OFFICE

ROSALIE MANALO

SOCCSKSARGEN

TREE HOUSE SWIMMING RESORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with