^

Probinsiya

Babae sinunog, sinimento sa drum

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mestisahing babae matapos itong sunugin ay sinimento pa at inilagay sa drum saka inabandona sa gitna ng palayan sa Barangay Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkaka­kilanlan sa biktima may tattong “GL” ang kaliwang kamay na halos naagnas nang matagpuan bandang alas-6 ng gabi.

Base sa ulat ni PO2 Jonathan Mañacap, nadiskubre ang insidente habang naglalaro ang ilang kabataan sa gitna ng palayan sa Malabon Street sa Sitio Ibayong Tabon.

Lumilitaw na napansin ng ilang kabataan ang isang drum na may takip na sako at pinagkukumpulan ng langaw.

Inusisa ng mga kabataan ang nilalaman ng drum kung saan bumulaga ang naagnas na katawan ng babaeng nakasimento.

Mabilis naman ipinagbigay-alam ng mga kabataan sa ilang opisyal ng barangay ang nadiskubre kung saan rumesponde naman ang pulisya.

Pinaniniwalaan namang pinatay ang biktima sa ibang lugar saka inabandona sa nasabing barangay upang ilihis ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

vuukle comment

BARANGAY PARADA

BULACAN

INUSISA

JONATHAN MA

KALUNUS

KASALUKUYANG

MALABON STREET

SITIO IBAYONG TABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with