^

Probinsiya

Nam-bully na anak, tinaga ni ama

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CATANAUAN, Quezon, Philippines - Sa halip na magtungo sa paaralan upang sagutin ang pambu-bully ng anak, pinarusahan ng isang magsasaka ang pasa­way na anak na lalaki sa pamamagitan ng pananaga at pambubugbog kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Poblacion ng bayang ito.

Ginagamot sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang biktimang itinago sa pangalang Peter, samantalang nakapiit pansamantala sa municipal station ang ama nitong suspek na itinago sa panga­lang Mando.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay katatapos lamang na maghugas ng kanilang kinainan ang biktima at nilapitan ang ama na nakaupo sa salas at nagsabing kinakailangan nitong pumunta sa paaralan upang magbigay ng paliwanag ukol sa ginagawa niyang pambu-bully sa mga kaklase.

Nagalit umano ang ama sa anak at tila nagdilim ang paningin nito hanggang sa kumuha ng silya at inihampas sa tuhod ng anak. Hindi pa nakuntento, kumuha pa ng gulok at tinaga sa ulo ang biktima.

Mabilis namang naisugod ang bata ng kanyang lolo  sa Catanauan District Hospital subalit dahil sa grabeng kundisyon ay inilipat ito sa Lucena City.

Nahaharap sa kasong Frustrated Parricide in relation to RA 7610 ang suspek.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLACION

CATANAUAN DISTRICT HOSPITAL

FRUSTRATED PARRICIDE

GINAGAMOT

LUCENA CITY

MABILIS

MANDO

QUEZON MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with