^

Probinsiya

Shootout: Tulak utas; 2 tiklo sa P 1-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang sinasabing notoryus na big time drug pusher matapos na makipagbarilan sa pulisya habang dalawa naman ang nasakote sa isinagawang drug bust operation na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P1-milyong halaga ng shabu sa Panabo City, Davao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Antonio Rivera, ang napatay na si Amel Saronay na nasa watchlist ng PNP kaugnay ng pagkakasangkot nito sa talamak na pagtutulak ng droga.

Arestado naman sa ope­rasyon ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Abel Amanola at Brian Billa.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang kinaroroonan ng grupo sa Purok Islam, Barangay Gredu.

Isinagawa ang pagsa­lakay base  sa search warrant na ipinalabas ng korte  pero habang papasok pa  lamang ang mga awtoridad ay sinalubong na sila ng mga putok ng baril ni Saronay na nauwi sa shootout.

Nakumpiska ang 13 malalaking plastic at 22 maliliit na sachet na nag­lalaman ng shabu kung saan may street value na aabot sa P 1 milyon,

Nasamsam din ang cal.38 revolver, dalawang cal. 45 pistol, fragmentation grenade at malaking halaga.

vuukle comment

ABEL AMANOLA

AMEL SARONAY

ANTONIO RIVERA

ARESTADO

BANDANG

BARANGAY GREDU

BRIAN BILLA

PANABO CITY

PUROK ISLAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with