^

Probinsiya

Guro itinumba sa classroom

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 49-anyos na guro makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki kung saan nasugatan naman ang 10-anyos na elementary pupil sa loob ng classroom sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang guro na si Morato Ampatuan, nagtuturo sa Grade V at nakatira sa bayan ng  Pagalungan.

Isinugod naman sa pagamutan ang mag-aaral na si Josephine Midtimbang  na nadamay sa pamamaril sa guro.

Sa ulat ng North Cotabato PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa silid-aralan ng elementary school na  pinagtuturuan ni Ampatuan bandang ala-1:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, abala sa pagtuturo si Ampatuan sa mga estudyante  nang biglang pasukin at ratratin ng mga armadong lalaki.

Hindi naman napuruhan sa unang putok si Ampatuan  na bumagsak at nadaganan ang mag-aaral na si Midtimbang kung saan sinundan ito ng putok ng gunmen na minalas namang tamaan ng ligaw na bala ng baril ang  elementary pupil.

Mabilis namang tumakas ang gunmen matapos na mapuruhan ang biktima.

Sa tala ang pulisya, pinagbabaril at napatay din ang principal ng Pagagawan High School sa bayan ng Pikit noong nakalipas na Sabado (Enero 10).

vuukle comment

AMPATUAN

AYON

CAMP CRAME

GRADE V

JOSEPHINE MIDTIMBANG

MORATO AMPATUAN

NORTH COTABATO

PAGAGAWAN HIGH SCHOOL

PRESIDENT ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with