^

Probinsiya

Mag-utol utas, 2 kritikal sa pritong butete

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang magka­patid na lalaki habang kritikal naman ang mag-pinsan matapos na malason sa hinapunang pritong butete kamakalawa ng hapon sa Barangay Pura, bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguin­danao kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga biktima  na sina Benny Urban, 26; at Coco Urban,16, mga nakatira sa Barangay Binansalan.

Kritikal namang inoobserbahan sa pagamutan ang mag-pinsan na nakilala lamang sa alyas Babylove, 15; at Johair, 4.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-3 ng hapon nang bumili ng isdang butete ang mga biktima sa pamilihang bayan sa Barangay Pinansaran kung saan prinito saka pinagsaluhan sa hapunan.

Gayon pa man, ilang oras matapos maghapunan ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pamamanhid ng katawan, matinding sakit ng ulo, pagsusuka ang mga biktima.

Dahil sa malayo ang nasabing ospital ay isinakay pa sa bangka ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang mag-utol.

vuukle comment

BABYLOVE

BARANGAY BINANSALAN

BARANGAY PINANSARAN

BARANGAY PURA

BATAY

BENNY URBAN

COCO URBAN

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

DATU BLAH SINSUAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with