Senior tepok sa salpok ng kotse sa Bulacan

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Nasawi ang isang senior citizen matapos na mabangga ng kotse habang naglalakad at tumatawid sa kalsada sa Marilao, Bulacan noong Huwebes (Oct. 1).
Batay sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jess Mendez, police director ng central luzon kinilala ang biktima bilang si “Satur,” 68-anyos, residente ng Mary Grace Subdivision, Marilao, Bulacan, habang ang drayber ng kotse ay kinilala sa alyas na “Woody,” residente ng Northville 4, Barangay Lambakin sa nasabing bayan.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, katatapos lamang pumitas ng dahon ng malunggay ang biktima at tumatawid sa Villarica Road sa Barangay Patubig, Marilao noong madaling-araw ng Huwebes nang mabangga ng isang orange na Toyota Wigo (plakang NLD 8536) na minamaneho ni alyas Woody.
Isinugod ang biktima sa Joni Villanueva General Hospital sa bayan ng Bocaue at inilipat sa Bulacan Medical Center sa Malolos City pero idineklara nang dead-on-arrival.
Samantala, dinala sa Marilao Police Station ang drayber ng kotse para sa imbestigasyon at karampatang disposisyon.
- Latest





















