^

Probinsiya

Motorsiklo sinuwag pedestrian, bumangga pa sa kotse, rider utas

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider matapos na suwagin nito ang isang babaeng pedestrian saka sumalpok sa isang kotse sa Governor’s Drive, Brgy. Poblacion 1A, Ternate, dito sa lalawigan, kama­kalawa ng gabi..

Hindi na naisalba pa ang buhay ang biktima na si alyas “Rick”, driver ng Yamaha Mio habang sugatan ang backrider nito na si alyas “Jomar”.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang babaeng si alyas “Nice”, residente ng lugar, na unang binangga ng rider.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi habang minamaneho ni Rick ang kanyang Yamaha Mio na may plate number 4860YN nang masalpok nito ang tumatawid na si Nice.

Tuluy-tuloy pang sumalpok ang motorsiklo sa paparating na kotseng Toyota Corolla na may plate number UHM 754 at minamaneho ni alyas “Jacob” na nasa sa kabilang lane ng kalsada.

Sa lakas ng pagbangga, kapwa tumilapon ang rider at ang­kas. Agad namang naitakbo ng rumes­pondeng Ternate Rescue team ang mga sangkot sa insidente subalit idineklarang dead-on-arrival ang nasabing rider habang kapwa inoobserbahan pa ang backrider nito at nasabing babae.

RIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with