^

Probinsiya

2 sarhento dinedo ng kabaro sa kampo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang sarhento ng Phil. Army ang pinabulagta habang isa naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng kapwa sundalo habang nag-iinuman sa kampo ng 5th Army Star Division sa Barangay Upi, bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Calixto Labang, hepe ng Gamu PNP ang mga napatay na sina T/Sgt. Aldrin Bangug at Sgt. Randy Bucu habang sugatan naman si T/Sgt. Leonardo Millares.

Arestado naman ang suspek na si S/Sgt. Antonio Bermudez, pawang nakatalaga sa Army Signal Battalion.?

Base sa police report, dinamdam ng suspek ang panlalait ni Sgt. Bucu kaugnay sa nilutong pulutan para sa kanilang inuman sa kubo malapit sa mess hall ng kampo.

Sinasabing nagkasigawan at nagdilim ang paningin ng suspek na lango sa alak saka niratrat ang mga biktima.

Humihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspek habang inihahanda ang kasong double murder at frustrated murder laban sa kanya.?

Sa tala ng pulisya, dalawa namang senglot na sundalo ng 86th Army Battalion ang dinakip ng pulisya matapos maghasik ng lagim sa Barangay Cabisera dos sa Ilagan City, Isabela kung saan tinutukan pa ng baril si City Councilor Gaylor Malunay na nagtangkang umawat noong Agosto 2014.?

vuukle comment

ALDRIN BANGUG

ANTONIO BERMUDEZ

ARMY BATTALION

ARMY SIGNAL BATTALION

ARMY STAR DIVISION

BARANGAY CABISERA

BARANGAY UPI

CALIXTO LABANG

CITY COUNCILOR GAYLOR MALUNAY

SGT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with