^

Probinsiya

Gurong dinukot ng manliligaw, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasagip ng mga awtoridad ang 21-anyos na dalagang guro na dinukot ng dalawang armadong lalaki kabilang ang binasted nitong manliligaw sa bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Edgar Basbas, PNP regional director ang biktima na si Hanefa Sarifa, guro sa Mindanao State University (MSU).

Ang biktima ay dinukot sa tindahan ng ukay-ukay saka isinakay sa abu­hing Innova Toyota na may commemorative plate #NBI 75 kung saan tumakas patungo sa direksyon ng Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang pinagsanib na tauhan ng pulisya at militar kung saan naharang ang nasabing sasakyan sa highway sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur.

Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi isang kaso ng kidnapping-for-ransom ang insidente manapa’y abduction for love dahil binasted na manliligaw ng biktima ang isa sa dalawang suspek.

Nabatid na inaalok umano ng kasal ng suspek ang biktima pero tumanggi ang babae.

 

vuukle comment

BUUG

CHIEF SUPT

EDGAR BASBAS

HANEFA SARIFA

INNOVA TOYOTA

MINDANAO STATE UNIVERSITY

PAGADIAN CITY

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with