^

Probinsiya

3 katao patay sa hit and run

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan ang sumunod sa hukay makaraang suwagin ng isang rumaragasang behikulo ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang pauwi na galing sa pakikipaglamay sa burol ng namatay nilang kaibigan sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon ng mada­ling araw.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Noli Capulong, Delmer Vios at Delvert Vios; pawang dead on the spot sa insidente at mga residente sa bayan ng Midsayap.

Sa ulat ng North Cotabato Police, naganap ang insidente sa national highway ng bayan ng Aleosan bandang alas-12:45 ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Sr. Inspector Zial Paul Cubil, hepe ng Aleosan, kasalukuyang pauwi na ang mga biktima galing sa pakikipaglamay sa burol ng kanilang kaibigan ng mangyari ang sakuna.

Nabatid na matapos mabangga ng behikulo ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa hangganan ng Aleosan at Midsayap kung saan ay nakaladkad pa ang mga ito ng pinaniniwalaang dambuhalang behikulo  ng may 100 metro.

Sa kaugalian ng mga Pinoy kapag galing sa lamay ay kailangang dumaan muna sa ibang lugar upang magpagpag pero sa malas ay sa disco club ang mga ito nagtungo at doon ay nakipag-inuman. Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kaso.

 

vuukle comment

ALEOSAN

DELMER VIOS

DELVERT VIOS

MIDSAYAP

NOLI CAPULONG

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO POLICE

SR. INSPECTOR ZIAL PAUL CUBIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with