^

Probinsiya

Pulis nag-suicide sa airport

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang naging desperado ang 34-anyos na pulis na sinasabing inilipat ng assignment kaya nagdesisyong itong magpasalubong kay kamatayan matapos mag-suicide sa palikuran ng Cotabato City Airport, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Eugene Balugo ang biktima na si P01 Richard Batulio Cruz ng Bukana, Cotabato City, Maguinda­nao at nakatalaga sa Ge­neral Santos City Airport.

Huling namataan ang biktima na kasama ang kanyang utol na babae bago nagkulong sa palikuran ng nabanggit na paliparan bandang alas-2 ng madaling araw.

Nakausap pa ni Balugo si Cruz  habang nasa palikuran at hindi inakalang magpapakamatay.

Gayon pa man, bandang alas-7 ng umaga ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan natagpuang patay na ang biktima.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagbaril sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima kung saan naiwan pa ang bala.

Patuloy naman ang im­bestigasyon habang na­kikipag-ugnayan ang pulis­ya sa pamilya ng biktima sa tunay na dahilan ng pagpapakamatay nito.

vuukle comment

BALUGO

BUKANA

COTABATO CITY

COTABATO CITY AIRPORT

EUGENE BALUGO

RICHARD BATULIO CRUZ

SANTOS CITY AIRPORT

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with