^

Probinsiya

5,000 marijuana seedlings, binunot sa Benguet

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
5,000 marijuana seedlings, binunot sa Benguet

KIBUNGAN, Benguet, Philippines — Umabot sa 5,000 marijuana seedlings ang binunot at winasak ng mga awtoridad sa kagubatan na bahagi ng Sitio Pingew, Proper Tacadang, Kibungan, Benguet nitong Martes, Oct. 13, 2026.

Ito ay matapos na madiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Kibungan PNP, mga operatiba ng 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies, PDEU, PIU, at PDEA-CAR ang dalawang plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar.

Sa ilalim ng ‘Oplan Ultimate Grass Cutter’ ng pulisya ay winasak sa pamamagitan ng pagsunog ang sa nasa 5,000 na marijuana seedlings na tinatayang nasa P200,000 ang halaga.

Wala namang nahuli o naabutan na cultivator nang isagawa ang operasyon.

BENGUET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with