Wanted sa Benguet, nadakip

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang tinaguriang no. 2 most wanted sa lalawigang ito matapos madakip ng mga awtoridad sa Km. 5, Pico, La Trinidad kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Dodong,” 41, na nahaharap sa dalawang kaso ng sexual assault at pitong bilang ng acts of lasciviousness.
Nadakip ang akusado sa operasyon na isinagawa ng pinagsanib ng CIDG Provincial Field Unit-Mountain Province, Provincial Intelligence Team-Mountain Province, Regional Intelligence Unit 14, at Regional Mobile Force Battalion 15, sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng Family Court, First Judicial Region sa La Trinidad.
Nasa tanggapan ngayon ng La Trinidad police station ang akusado para sa kaukulang documentasyon.
- Latest






















