^

Probinsiya

Mag-ina dinedo ng akyat-bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang ginawang pagpatay sa mag-ina matapos itong pagpapaluin ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ay sinunog pa ang bangkay ng matanda sa Barangay Pulungmasle, bayan ng Guagua, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Raul Petrasanta, hepe ng PNP regional office 3, kinilala ang mga napatay na sina Adelaide Santos, 67,  retiradong guro na sinunog pa ang  bangkay sa likuran ng kanilang bahay.

Ipinag-utos na rin ni Petra­santa ang pagbuo ng special task group upang imbestigahan ang karumal-dumal na krimen.

Samantala, inaalam pa ng mga imbestigador kung hinalay muna bago pinaslang ang 29-anyos na anak na si Ivy na nakitang duguan sa loob ng palikuran.

Bandang alas-7 ng gabi nang ipagbigay-alam ni Barangay Chairman Felicisimo Santos ang krimen sa pulisya na nadiskubre ng mga kapitbahay ng mag-ina nang mamataan ang sinunog na bangkay ng retiradong guro.

Ayon pa sa opisyal, blangko pa rin ang mga imbestigador sa pagkakakilanlan sa mga suspek na pinaniniwalaang kakilala ng mga biktima kaya isinagawa ang pagpaslang.

Kabilang sa mga anggulong sinisilip ay ang pagnanakaw.

vuukle comment

ADELAIDE SANTOS

AKYAT-BAHAY GANG

AYON

BANDANG

BARANGAY CHAIRMAN FELICISIMO SANTOS

BARANGAY PULUNGMASLE

CHIEF SUPT

RAUL PETRASANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with