^

Probinsiya

2 bulagta sa clan war

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Dalawa-katao ang iniulat na namatay matapos na sumiklab ang bakbakan ng dalawang pamilya sa Barangay Busaon, bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa. Sa ulat ni 602nd Brigade spokesperson Capt. Tony Bulao, ang dalawang napatay na lalaki na sinasabing pinagbabaril ng mga tauhan ni dating Barangay Kagawad Bobby Rajamuda ay mga tauhan ni Kumander Tanda. Nabatid na  matagal ng may alitan ang dalawang grupo matapos iturong suspek ng mga tauhan ni Rajamuda ang mga tauhan ni Kumander Tanda na nasa likod ng pananambang sa dating barangay kagawad. Si Rajamuda at iba pang kasama nito ay nakaligtas matapos tambangan sa Barangay Thailand, Banisilan bago ang midterm elections noong Mayo. Ayon kay Captain Bulao, balak pa sanang maghiganti ng grupo ni Kumander Tanda pero napigilan ito ng militar.

vuukle comment

AYON

BANISILAN

BARANGAY BUSAON

BARANGAY KAGAWAD BOBBY RAJAMUDA

BARANGAY THAILAND

CAPTAIN BULAO

KUMANDER TANDA

NORTH COTABATO

SI RAJAMUDA

TONY BULAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with